hay grabe muli na naman akong nangamba sa bagyo
saturday dapat punta kami sa lola ko para magbakasyon
pero hindi yon natuloy dahil sa bagyong santi
malakas ang hangin konting ulan
nagising ako sa tunog ng bubong namin
parang matatanggal
pero nung sinilip ng kuya ko ok pa naman daw
mayang konti biglang nagsisigaw si gabby (anak ko)
iplastik na daw namin yung mga toys nya kasi ayan na daw ang baha
nagalit ako kasi kala ko nagbibiro lang sya
pero ayaw nya tumigil
so tiningnan ko yung harap namin
at totoo nga
ang lakas ng agos ng baha
nataranta na kaming lahat
yung mga kapitbhay namin inililikas na yung mga sasakyan nila
yung nasa tapat namin lumipat na sa kapitbahay
siguro mga hanggang binti na yung baha
biglang bumaliktad yung agos ng baha
pabalik kung saan man sya nanggaling
ayun unti unti na syang nawala
grabe ang weird, pero kung ano man ang dahilan kung bakit ganun yung nangyari
hindi ko na inalam
may nagsasabi sa ilog daw galing
meron naman sa creek daw
whatever , ang importante hindi na ulit nangyari yung kay ondoy
Sunday, November 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)