Thursday, October 29, 2009

INSENSITIVE

bakit kaya may mga taong insensitive???
yung tipong hindi na nila alam kung nakakasakit na sila sa mga jokes nila...

well actually, alam ko naman na yung iba hindi na joke yun, totoo yun.
ang sa akin lang, pag tahimik na yung binibiro mo, SHUT UP KA NA...

I actually made a blog about this, elaborating everything, kaya lang something happened to my connection kaya hindi sya na post at hindi sya na save. so feeling ko sign na yun para hindi i post yun.

kaya I decided not to expound this issue.maybe it's just that iba lang siguro ang pananaw nya to the decision i made.

after ondoy kasi i promise to myself na HANGGAT MAKAKATULONG AKO KAHIT PA SA PINAKASIMPLENG PARAAN, TUTULONG AKO. and isa na dun ang pag gi-give way sa fin ass.......

Friday, October 23, 2009

WE WON!!!!!


congratz team pash
hindi masyado career yan ha , medyo lang
I would like to thank meriane for my earings,
market market for my dress
maybelline for my make up
and ate ana for my head band

Thursday, October 22, 2009

nobody but you contest in the office

I'm not pregnant guys,,,,, not yet!!!

Wednesday, October 21, 2009

SUPER BUSY

grabe super busy talaga
super backlog na kami
2 days na kong 12 hours nasa office
ok lang, masaya, pero nakakapagod din

naabutan ko si jeff dito sa office
grabe ang taba nya , hehehhee
ganun pa din, manyak pa rin hahahaha

Sunday, October 18, 2009

"sige gawa ka baby , pero wag ka mag boyfriend ha"

grabe nakakamiss talaga si dwayne
si dwayne ang pmangkin ko sa kuya ko
dinala sya sa mindoro
kasi nagbakasyon sya don
one week na sya don
nakaka miss talga
si gabby nga (anak ko) umiiyak kahapon kasi namimis na daw nya si dwayne
sabi ko

"gusto mo gawa na lang baby si nanay para may kalaro ka na?"

ang sagot nya

"sige gawa ka baby , pero wag ka mag boyfriend ha"

hahahaha
ang bata nga naman, pede naman yun di ba??
hahahaha

Monday, October 12, 2009

song of the day

narito, ang puso ko
inaalay lamang sa'yo
aking pangarap kahit saglit
ang ikaw at ako'y magkapiling
minsan pang makita ka
damdamin ay sumasaya
lungkot napapawi
buhay ko'y ngingiti
sa sandaling pag-ibig mo'y makapiling

puso ko'y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman

bawat kilos mo't galaw
minamasdan, tinatanaw
laging nangangarap, kahit saglit
ang ikaw at ako'y magkapiling

puso ko'y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman

kahit di malaman o maintindihan
kahit na masugatan ang puso
naghihintay sayo
maghihintay ako

puso ko'y narito
naghihintay sa pag-ibig mo
ikaw lamang ang inaasam
tanggapin mo ang puso kong narito
hanggang matapos ang kailanman

Saturday, October 10, 2009

I had to admit.....super ako naiinggit

super talaga ako naiinggit sa mga friends ko na nasa cebu ngayon
pero ganun talaga may mga bagay na kahit gustong gusto mo gawin, kailangan i-sacrifice dahil may mas kailangan kang iprioritize
iniisip ko na lang na darating yung time na makakapag gala din kami ni gabby pag dating ng panahon.
sana nag enjoy sila ng sobra

Thursday, October 8, 2009

miss ko na mommy at daddy ko

kagabi pauwi nag text ako sa daddy ko na nasa italy para mangumusta.
nag reply sya ng

"nag-aaral ako ng italiano ngayon, hirap, ayaw pumasok sa ulo ko. kung hindi nga lang magagalit ang mommy, gusto ko na umuwi dyan.sayang ang panahon ko dito."

hindi ko alam kung ano ang irereply ko, sobra ko syang namiss, at ramdam na ramdam ko kung ano man yung hirap na dinadanas nya don. bago sya umalis papuntang italy, nasabi nya na sa akin na ayaw nyang umalis. pero gusto ng mommy ko na nagtatrabaho dun na magkasama sila. mga tatlong oras bago ako makapag reply. at ang sabi ko:

"alam mo po daddy hindi ko alam kung ano sabihin ko, sa totoo lang kung ako masusumod pauwiin ko na kayo dito, kasi dapat nagpapahinga na lang kayo.kaya lang hindi ko naman po kaya ipagawa tong bahay na mag isa. konting tiis lang po daddy, makakaraos din tayo.ingat po, lab you miss you."

gusto kasi ipagawa ni mamy yung bahay, hahatiin yung bahay sa tatlo dahil tatlo kaming magkakapatid, para daw yun na yung pamana nila sa amin . pag naipagawa na daw yung haus uwi na sila dito sa pinas.
haaay sana tumama na lang ako sa lotto para mapauwi ko na sila.
kaya lang hindi ako marunong tumaya sa lotto.........

Wednesday, October 7, 2009

matapos ang baha, brown out naman dahil sa sunog

matapos ang matinding baha brown out naman
mga 8:45 ng gabi kagabi ng biglang mag brown out
buti na lang may tira parang battery yung transistor radio ng daddy ko na ginamit namin nung bagyong ondoy
pag bukas na pag bukas ko ng radyo, yun kagad ang usapan nila
yung about sa brown out
hindi lang pala samin ang brown out
kundi halos buong rizal, marikina, pasig at ibang part ng quezon city
o di ba yun din yung halos nasalanta ng bagyong ondoy
ang sanhi ng brown out, may pumutok na transformer sa baranggay dolores sa taytay rizal , na nadamay ang iba pang tsubanes, hindi ko kasi maintindihan yung ibang pinagsasabi nila, may sub station pa daw
tapos nagkasunog na daw
tapos ang sabi hindi pa nila alam kung kelan mababalik ang supply nang kuryente
tapos may sinasabi pa na mag she-share na lang yung ibang source ng kuryente sa amin
tapos magiging rotation ang pagkakaroon ng kuryente
kunyari ngayon cainta muna tapos bukas taytay naman parang ganon
dahil sa narinig kong ganon, hindi na ako umasang magkakakuryente pa kagabi
kaya natulog na ako kahit mainit
bandang 12 ng hatinggabi nagkaroon na rin ng kuryente
yun nga lang hindi ako sure kung hanggang kelan yun

Monday, October 5, 2009

cebu trip

nung pinlano namin ang cebu at bohol trip, wala pang bagyo nun
super excited ako
as in
to the point na yung gagamitin kong maleta nakahanda na
pero nung sumating si bagyong ondoy, nasira lahat ng plano
maraming bagay ang dapat bilhin na pati ang pang cebu naming mag ina nagamit ko na
nahihiya ako sa pinsan ko dahil nag pabook sya ng hiwalay at gumastos ng 2000 pesos para lang makasama samin
tapos hindi na ako makakasama dahil sa gastos
alam ko naiintindihan nya ako pero iba pa rin yung feeling ko
nahihiya ako at nanghihinayang
meron naman akong panggastos kaya lang savings namin yon ni gabby
may ibang pagkakataon pa naman
maybe next year

hirap buhay

oct 4, 2009

namili kami ng mga bagong gamit sa bahay
bumili kami ng kutson, cabinets, unan, bed sheets, pillow case, plantsa, etc.
grabe ang mahal pala ng mga gamit sa bahay
ngayon ko lang na realize dahil first time ko bumili ng mga ganun
dati kasi puro si mommy lang
kaya yung nanghihinayang ako dun sa mga gamit na nakita kong lumulutang sa baha,
what more pa kaya yung mommy at daddy ko na sila ang nag pundar non
haaaaaayyy, buti na lang may pambili pa kami ng gamit
kaya maswerte pa rin kami

Saturday, October 3, 2009

bagyong ondoy

hay grabe talaga
first time ko naranasan ang masalanta ng bagyo
oct 26, 2009, schedule ko na mag grocery
since umuulan hindi ko na sinama si gabby
si rose na kasamahan namin sa bahay ang sinama ko
umuulan na pero hindi ko inexpect na bagyo yun
hindi na kami umabot ng big R junction
hanggang parola lang, nag decide na kami umuwi
wala na masakyan na tricycle samin kaya naglakad na kami umuwi
dahil nag text n ang kapatid ko na baha na sa loob ng bahay namin
baha na sa kalsada, matapos ang mahabang paglalakad dumating na rinn kami sa bahay
baha na sa loob pero mga 1 inch palang
nag lunch kami, nag limas pa kami
hanggang sa napansin namin na apaw na ang tubig sa kalsada
wala ng kuryente ng napansin kong ang bilis ng taas ng tubig
nakita ko na umabot na ito sa crib ng pamangkin kong si dwayne
dun na ako nataranta
wala ang kuya ko, ako, anak ko si gabby, dwayne at yaya nya, kapatid ko at kasama sa bahay na si rose
buti na lang merong house for rent malapit samin
dun muna kami tumuloy
habang naglilikas kami ng gamit tumutulo ang luha ko
kasi hindi ko talaga inexpect na mangyayari samin to
hanggang umabot sa dibdib ang baha

grabe ang experience na ito
halos 3 araw kong suot ang bra ko
at halos 2 araw kong suot ang napkin ko
kadiri pero yun yugn totoo
ok lang kasi kung iisipin ko napakaswerte pa namin
compare sa marami na nandito rin sa cainta

so sana sa ibang mga tao maisip nyo rin kung gano kayo kaswerte
marami tayo iniisip na wala tayo nito, wala tayo nun
isipin na lang natin na merong mga tao na wala kung ano man ang meron tayo

always pray and always thank God for all the blessings
God bless everyone