Wednesday, October 7, 2009

matapos ang baha, brown out naman dahil sa sunog

matapos ang matinding baha brown out naman
mga 8:45 ng gabi kagabi ng biglang mag brown out
buti na lang may tira parang battery yung transistor radio ng daddy ko na ginamit namin nung bagyong ondoy
pag bukas na pag bukas ko ng radyo, yun kagad ang usapan nila
yung about sa brown out
hindi lang pala samin ang brown out
kundi halos buong rizal, marikina, pasig at ibang part ng quezon city
o di ba yun din yung halos nasalanta ng bagyong ondoy
ang sanhi ng brown out, may pumutok na transformer sa baranggay dolores sa taytay rizal , na nadamay ang iba pang tsubanes, hindi ko kasi maintindihan yung ibang pinagsasabi nila, may sub station pa daw
tapos nagkasunog na daw
tapos ang sabi hindi pa nila alam kung kelan mababalik ang supply nang kuryente
tapos may sinasabi pa na mag she-share na lang yung ibang source ng kuryente sa amin
tapos magiging rotation ang pagkakaroon ng kuryente
kunyari ngayon cainta muna tapos bukas taytay naman parang ganon
dahil sa narinig kong ganon, hindi na ako umasang magkakakuryente pa kagabi
kaya natulog na ako kahit mainit
bandang 12 ng hatinggabi nagkaroon na rin ng kuryente
yun nga lang hindi ako sure kung hanggang kelan yun

2 comments:

  1. welcome sa blogging world. hehe. bwisit talaga yang brownout na yan. pati kami nadamay eh ang layo-layo namin.

    ReplyDelete
  2. sensya na, need ba talga sumagot sa comment.hehhehe ...

    ReplyDelete