hay grabe talaga
first time ko naranasan ang masalanta ng bagyo
oct 26, 2009, schedule ko na mag grocery
since umuulan hindi ko na sinama si gabby
si rose na kasamahan namin sa bahay ang sinama ko
umuulan na pero hindi ko inexpect na bagyo yun
hindi na kami umabot ng big R junction
hanggang parola lang, nag decide na kami umuwi
wala na masakyan na tricycle samin kaya naglakad na kami umuwi
dahil nag text n ang kapatid ko na baha na sa loob ng bahay namin
baha na sa kalsada, matapos ang mahabang paglalakad dumating na rinn kami sa bahay
baha na sa loob pero mga 1 inch palang
nag lunch kami, nag limas pa kami
hanggang sa napansin namin na apaw na ang tubig sa kalsada
wala ng kuryente ng napansin kong ang bilis ng taas ng tubig
nakita ko na umabot na ito sa crib ng pamangkin kong si dwayne
dun na ako nataranta
wala ang kuya ko, ako, anak ko si gabby, dwayne at yaya nya, kapatid ko at kasama sa bahay na si rose
buti na lang merong house for rent malapit samin
dun muna kami tumuloy
habang naglilikas kami ng gamit tumutulo ang luha ko
kasi hindi ko talaga inexpect na mangyayari samin to
hanggang umabot sa dibdib ang baha
grabe ang experience na ito
halos 3 araw kong suot ang bra ko
at halos 2 araw kong suot ang napkin ko
kadiri pero yun yugn totoo
ok lang kasi kung iisipin ko napakaswerte pa namin
compare sa marami na nandito rin sa cainta
so sana sa ibang mga tao maisip nyo rin kung gano kayo kaswerte
marami tayo iniisip na wala tayo nito, wala tayo nun
isipin na lang natin na merong mga tao na wala kung ano man ang meron tayo
always pray and always thank God for all the blessings
God bless everyone
Saturday, October 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment