kagabi pauwi nag text ako sa daddy ko na nasa italy para mangumusta.
nag reply sya ng
"nag-aaral ako ng italiano ngayon, hirap, ayaw pumasok sa ulo ko. kung hindi nga lang magagalit ang mommy, gusto ko na umuwi dyan.sayang ang panahon ko dito."
hindi ko alam kung ano ang irereply ko, sobra ko syang namiss, at ramdam na ramdam ko kung ano man yung hirap na dinadanas nya don. bago sya umalis papuntang italy, nasabi nya na sa akin na ayaw nyang umalis. pero gusto ng mommy ko na nagtatrabaho dun na magkasama sila. mga tatlong oras bago ako makapag reply. at ang sabi ko:
"alam mo po daddy hindi ko alam kung ano sabihin ko, sa totoo lang kung ako masusumod pauwiin ko na kayo dito, kasi dapat nagpapahinga na lang kayo.kaya lang hindi ko naman po kaya ipagawa tong bahay na mag isa. konting tiis lang po daddy, makakaraos din tayo.ingat po, lab you miss you."
gusto kasi ipagawa ni mamy yung bahay, hahatiin yung bahay sa tatlo dahil tatlo kaming magkakapatid, para daw yun na yung pamana nila sa amin . pag naipagawa na daw yung haus uwi na sila dito sa pinas.
haaay sana tumama na lang ako sa lotto para mapauwi ko na sila.
kaya lang hindi ako marunong tumaya sa lotto.........
Thursday, October 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment